LetrasTag-ulan

After Image

Última atualização em: 30 de dezembro de 2019
#together against coronavirus

Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama 'Di malaman saan tutungo Naghahanap, nag- iisip kung saan babaling

Dito sa mundong mapaglaro At tuwing ika'y nalulumbay, 'di makakita Nais mo na may makasama Sa iyong lungkot akala mo ika'y nag-iisa Narito ako't kapiling ka Kung nais mong ika'y lumuha Ako'y makikinig sa bawat salita Kapag umuulan bumuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan Nais mo lamang ay malaman Bakit nagka-gano'n ang nangyari sa 'yong buhay Tanong mo man sa akin, 'di ko alam Handa akong maging tanggulan Sa tuwing sasapit sa 'yo ang tag-ulan Kapag umuulan bumubuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka mag-iisa... Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan Kaibigan... Kaibigan... Kapag umuulan bumubuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka mag-iisa, kaibigan Kaibigan... Kaibigan... Kaibigan...

  • 292

Últimas atividades

Sincronizada porMark jafet Ander
Tradução porjudelyn esperanzate

O Musixmatch para Spotify e
Apple Music está agora disponível para
o seu computador

Descarregar agora