LetraTuwing Umuulan

Regine Velasquez

riz atienza enviou a letra para essa música. A letra está correta?

La la la la la la... Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak Sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot Sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda Kasabay ng hanging kumakanta Maaari bang huwag ka nang Sa piling ko'y lumisan pa Hanggang ang hangi't ula'y tumila na Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na oh Maaari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi Minsan pa ulan bumuhos ka Huwag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo Dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka La la la... Maaari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Minsan pa ulan bumuhos ka, huwag ng tumigil pa Hatid ko ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tawa Tuwing umuulan at kapiling ka La la la la La la la la...

Musixmatch para Spotify e
Apple Music agora está disponível para
seu computador

Baixe agora