Ang Nanay ko′y laging wala, naroon sa kapit-bahay Sa madyunga'y natatalo, kaya′t mainit ang ulo Tatay ko'y laging lasing, umaga na kung dumating Hindi matatanong, baka ikaw ay sipain Lagi silang nag-aaway, naririnig ng kapit-bahay Pati ako'y minimura, ako′y anak daw ng tupa Istambay diyan sa kanto Ako ang istambay diyan sa kanto Pagala-gala sa lansangan Naglalakad akong walang pupuntahan Ako nama′y anak-mayaman, ang Daddy ko'y businessman Wala siyang panahon sa Mommy kong nalulumbay Ang Mommy ko′y naghanap, siya'y kumaliwa Ngunit sa Daddy ko, siya pala′y balewala Ano ang aking gagawawin, ako'y hindi pinapansin Ako ngayo′y naririto, humihithit nitong damo Istambay diyan sa kanto Ako ang istambay diyan sa kanto Saan ako patutungo Kaliwa ba o kanan o diretso Kami ngayo'y naririto, hanap ay 'di alam Huwag sanang sisihin, bagkus kami′y kahabagan Istambay diyan sa kanto Kami ang istambay diyan sa kanto Pagala-gala sa lansangan Naglalakad kaming walang pupuntahan Istambay(istambay) diyan sa kanto Kami ang istambay diyan sa kanto Saan kami (saan kami) patutungo Kaliwa ba o kanan o diretso Istambay (istambay) diyan sa kanto (diyan sa kanto) Kami ang istambay diyan sa kanto Saan kami (saan kami) patutungo Kaliwa ba o kanan o diretso Hahahaha... ayoko na nang inuman
Writer(s): Bartolome Heber