LyricsHuwad

Crazy As Pinoy

Last update on: July 22, 2017
No translations availableNo translations available
These lyrics are waiting for review
En An X XI suggested changes to these lyrics.

Naaalala ko pa bago mawalan ng malay Nagingisay-ngisay hindi maka gulapay Sa pag ibig ko sa'yo ako'y litong lito Di ko akalain na magiging ganito Biglang nagbago ang takbo natuto nang sumalisi Parang akyat bahay nagdaraan sa kisame Diskarte kong ito kung sadyang mabubuko Mahuli ma't mahuli uulit ulitin ko Mamatay-matay kasi ako sa tamis ng 'yong ngiti Mga kurot mo sa'kin na nakakakilti Mga haplos mong nakakabuhay ng patay (patay) Matamis mong "oo" di ko na mahihintay... Pano ko ba ilalagay ang puso ko sa'yong tabi? Hinahanap-hanap kita mapa-araw, mapa-gabi At hindi mapakali kapag di ka natatanaw Mag wawala ako kapag hindi ka lumitaw Ikaw ay aking mahal puso't kaluluwa sayo ko lang ibibigay Ang pag-ibig kong ito ay para lang sayo, oo mahal ko Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay ko Ng sabihin nya sa akin na mahal nyay di ako (di na mahal) Ginamit nya ako upang kanyang makalimutan Ang dating kasintahan na nakikipag balikan Wala na raw lahat ng pinangako nya sa akin Pagmamahal ko raw sa iba ko na ibaling Pero panong gagawin ang magmahal limot ko na Ngayong poot at galit ang tanging nadarama Akin bang naituwid ang aking pagkakamali Kung ako ay napapayag, ako'y nagkunwari Di ko mawari ang bigat na dinadala ng kalooban Ikaw ang kasalanang di ko kayang maiwasan Minabuti na lang na ako'y magbilang Araw na nagdaan muntik ng mabuang Gumawa ng kanta at ako'y sinita Lagi raw tulala para bang nalanta Sinabi mo nga na maraming hadlang Ramdam ko na rin na magkalabuan Yun bang dahilan? yun bang paraan? Heto ko ngayon umuwing luhaan Ikaw ay aking mahal puso't kaluluwa sayo ko lang ibibigay Ang pag-ibig kong ito ay para lang sayo, bakit sinayang mo Ngayon, kahit ika'y mahal, pilit lilimutin, pagka't ako'y nasasaktan Paaasahin lang ako, pagkatapos ay ano, iiwan lang ako O aking mahal ba't ako nilinlang? Anong akala mo sa akin mangmang Akala mo siguroy hindi ko matatanto Na ang isang katulad mo ay manananso Nagbabalat kayong daig mo pa'y kamelyo Animo'y tupa pero mas mabangis pa sa leon Nagbabalak balak ako ay sakmalin Masisisi mo ba ko kung ikaw ay aking sapakin? At sa pag ibig nyang huwad! (mga brad) aking nailahad (ang lahat) Ng nararamdaman pagakat ako'y kanyang (sinagad sagad) Pinipilit ko namang siya'y aking intindihin Ngunit walang kasing sakit ang ginawa nya sa akin "my men!" Oo... o aking mahal nagtiwala ako sa'yo ng lubos Iniwanan mo na naman (na naman?) Pati pera ko'y (ubos na ubos) Bakit di mo na lang sinabi agad? bakit di mo na lang pinagtapat? Pinaibig lang ako't sinayang ang lahat lahat... Ngayon, kahit ika'y mahal, pilit kalilimutan Ayoko nang maging hangal Ang pag-ibig kong ito, na para lang sa'yo, bakit sinayang mo

No translations availableNo translations available
  • 0

Last activities

Musixmatch for Spotify and
iTunes is now available for
your computer

Download now