Last update on: July 8, 2017
No translations availableNo translations available
These lyrics are waiting for review
If you found mistakes, please help us by correcting them.

Noong nag-aaral pa 'ko tandang-tanda ko pa Ang magsalita ng tagalog ay pinagmumulta Ito'y 'pinagbawal, ako'y nagtataka

Pag nag-ingles naman ako, sila'y natatawa Ang paaralan ngayon ay aking napapansin Itong edukasyo'y pangatlo lang sa layunin Ang una ay pera, pangalawa ay pera rin Mga walang pera'y hindi nila pinapansin Ang sistema ng edukasyon, kailan magbabago? Kailan ka lalaya sa kolonyal na isip mo? Kailan ka aasenso, kailan matututo? Bumabagal ang pag-unlad sa maling sistema mo Mga anak mayamang pinag-enrol sa eskwela Hindi pumapasok bulakbulero lang pala At ang mga anak nitong mahihirap Ay gustong mag-aral ngunit walang ibabayad Itong mga magulang ko'y nahihirapan na Marami nang utang dahil sa 'king matrikula Nagpapakasakit, nagpapakahirap Tinitiis lahat mapagtapos lang ang anak (Repeat Chorus except last word)

No translations availableNo translations available
  • 0

Last activities

Musixmatch for Spotify and
Apple Music is now available for
your computer

Download now