歌詞Aking Mahal

Curse One

最終更新日:: 2019年7月26日
利用可能な翻訳がありません利用可能な翻訳がありません
この歌詞は確認待機中です。
Mary Mae Dela Cerna がこの歌詞の変更を提案しました。

Aking mahal Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako′y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako'y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Di ko lubos maisip kung ano aking kasalanan Bigla kang nawala at ako′y iyong iniwanan Mahal nman kita bakit damdamin niyurakan Mga pangarap naten bigla na lang nagbagsakan At pangako sa isa't-isa'y walang hiwalayan Buong buhay magsasama hanggang kamatayan Ibinigay naman sayo ang lahat Pangalan naka-tatto sa balat Puso ko naman sayo ay tapat Bakit pag-ibig ko′y di pa sapat?? Ginawa ko naman ang lahat para ako′y ibigin mo Ikaw lang ang babaeng laman ng puso't isipan ko Halos hindi na makatulog sa pag iisip sayo Ang laki ng pag-sisisi bakit ko pa ginawa ito Sayo na kung kelan ako′y nag-sisi at lumuha Ang dating pusong masaya bakit ngayon ay nag dudusa Halos hindi ko na alam kung meron pang pag-asa Kung kelan kong gustong bumalik hindi na ko aasa Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako'y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako′y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Daig ko pang napilay na lumpo't di makatayo Mula pa nung unang araw na tayo ay magkalayo At kahit magbalat-kayo, kunwaring naka ngiti Ay di pa rin malimot kalungkutan ko at pighati Hati hati ang puso ng ilang piraso Daig ko pang basahan turing mo sakin retaso Ang kaso kahit aking pagpilitan Na pigilin ang pagtulo ng luha, di matigilan Di mapigilan ang sarili na umibig sa iyo Hindi ko nga makaya na hindi tumitig sa iyo Sa tuwing daraan ka sa aking harapan Na may kasama ng iba ang dibdib ko ′y nahihirapan Na parang hindi na makahinga ng maluwag Lalo ng malaman sa puso mo'y wala ng puwang Di makuhang ngumiti sa tuwing naaalala Minsan nasasabi sana'y di ka na lang nakilala Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako′y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako′y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Pilitin man lisanin, habang buhay iibigin Habilin ng landas sumpang halik na lang sa hangin Sumama sa iba sa akin di ka nakuntento Lahat ay ginawa ngunit wala pa rin epekto Tablado kahit ako'y nagsusumamo Walang sabe-sabe harap-harapan mong ginago Ngunit gayon pa man ako′y patuloy na aasa Magbalik ka lang sa piling ko aking sinta Patuloy pa rin hinahanap ang yong mga lambing Patuloy pa rin nangangarap na ako'y mahal pa rin Baket kailangan pang umabot sa gantong sitwasyon Baket sa hiwalayan humantong ang relasyon Hindi na nga ba natin kayang ibalik ang dati Sayong mga halik ako′y nananabik parate Sana'y pagbigyan muli, mahalin ng muli. Makapiling muli, mayakap kang muli Sa pagmamadali hindi na mapakali Ibalik ang ngiti sa labi muli Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako′y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo. Aking mahal. Bat bigla kang nawala? Wala akong ginagawa. Bat ako'y binalewala? Sana marinig mo ang awitin ko para sayo. At pag ikaw ay bumalik wag ka na sanang lumayo.

利用可能な翻訳がありません利用可能な翻訳がありません
  • 31

最新の活動

同期者:Justine Untalan

One place, for music creators.

Get early access