TestoTao Lang

LOONIE, Quest

Ultima modifica il: 14 giugno 2020

Uy, si Loonie 'yun, ah? Tara, lapitan natin Idol, fliptop tayo; Tara, isa lang, kuya, sige na

Parinig naman ng rap mo, sample naman d'yan Ang ganda naman ng cap mo, arbor na lang 'yan Ang yabang mo naman, wala ka bang kanta na bago? Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo, ha? Paulit-ulit ang tanong ng mga tao Huwag sanang apurado, ano'ng magagawa ko? Wala akong maisip, masyado pang mainit Akala mo tuloy, mukhang suplado 'pag tahimik Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw Tapos pag-uwi ko pa, para bang hindi ko malaman Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula Laging puyat, nagkalat ang papel na nilamukos Ang dami ng kapeng ipinautos Tinta ng aking ballpen, malapit nang maubos Isang patak na lang pero aking ibubuhos Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Pasensya na Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda Lumakad, humakbang, hanggang sa madapa Huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala Kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad Kaya huwag kang matakot magkamali Pero alalay lang, huwag kang masyadong magmadali 'Yan ang sabi sa akin ng aking itay Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay Na kadalasan ay hindi nasusunod Ayoko nang sumali, gusto kong manood Minsan, wala nang gana, ayoko nang mag-rap Kasi akala ko dati, alam ko na lahat 'Yon pala, kulang pa ang kaalaman kong labis Ngayon, alam ko na kung ba't may pambura ang lapis Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? Ako ay tao lang din naman na tulad mo Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Pasensya na Pero 'di ba, tao ka lang din, 'di mo ba napansin? Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin Kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin? 'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran Marami kang detalye na makakaligtaan Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam Ano'ng magagawa mo, tao ka lang? Napapagod, natatakot, naiinip Natatawa, nagtataka, naiinggit Nangangawit, nagagalit, nabibigla Nalulungkot, nauutot, nahihiya Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya Nasasaktan, nagmumura Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Mali ba na magkamali) Ako ay tao lang din naman na tulad mo (Ako'y katulad mo, yeah) Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko? (Mali ba na magkamali) Ako ay tao lang din naman na tulad mo (Tao lang, pasensya na) Ano ba ang dapat na gawin? Dapat bang kamuhian (Ano ba?) O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang? Pasensya na, tao lang Pasensya na, tao lang Kagaya mo, tao lang Pasensya na (Tao, yeah) Pasensya na, tao lang Pasensya na (Wala tayong pagkakaiba) Pasensya na, sorry naman Kung pwede lang sanang isoli na lang Pasensya na

  • 2k

Ultime attività della community

Sincronizzato daJem Florentino
Tradotto daEleazar Galope

Musixmatch per Spotify e
Apple Music è disponibile ora
per il tuo computer

Scarica adesso